Isang 19-anyos na lalaki na bibisita lamang sana sa kanyang kapatid na nakakulong ang inaresto matapos mag-selfie na naka-middle finger at murahin ang mga pulis na nasa loob ng isang police station, sa Quezon City, nitong Lunes.

FU

Kinilala ni Lt. Col. Camlon Nasdoman,hepe ng Quezon City Police District's La Loma Police Station ang suspek na si Mark Jhun Ejorcadas, residente ng Barangay Apolonio Samson.

Ayon kay Nasdoman, dakong 10:35 ng umaga ng magtungo sa kanilang istasyon sa Barangay N.S. Amoranyo ang suspek para bisitahin ang kapatid nito na nakakulong dahil sa pagnanakaw.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Habang nasa loob ng istasyon, nakita umano ng duty officer si Ejorcadas na nag-selfie sa likod ng mga pulis habang naka-pose "rock and roll" sign, at saka mabilis na nag-dirty finger.

Nagsalita pa umano ang binatilyo ng "fuck the police" na narinig ng mga pulis.

Ikinagalit umano ng ibang mga pulis ang ginawa ni Ejorcadas dahilan upang agad itong arestuhin.

Nakuha sa suspek ang kanyang mobile phone kung saan nakita ang kanyang selfie sa loob ng istasyon.

-ALEXANDRIA SAN JUAN