Mas bumagal ang pagtaas ng halaga ng serbisyo at mga pangunahing produkto sa bansa sa nagdaang buwan ng Hulyo.

Photo by: Linus GUardian Escandor II
Sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 2.4% ang inflation rate noong Hulyo na mas mababa pa kumpara sa 2.7% noong Hunyo.
Higit na mas mababa rin ito kumpara sa 5.7 percent na inflation rate noong Hulyo 2018.
Ito ang pinakamababang inflation na naitala simula noong Enero 2017, ayon sa PSA.
Pasok din ito sa target ng Bangko Central ng Pilipinas na 2% hanggang 2.8%.
Nanguna namang nag-ambag sa pagtaas ng inflation para sa buwan ng Hulyo ang Food at Non-Alcoholic Beverages.
-Beth Camia