Sa tagal ni Dennis Trillo sa showbiz ay nae-excite siya sa bawa’t karakter na ginagawa niya dahil nag-e-enjoy siya na i-portray ito.

Dennis

Sa nakaraang mediacon ng Mina-Anud na true to life story ni Kerwin Go mula sa Regal films, Epic Media at Hooq Philippines ay inamin ni Dennis na matagal na siyang naghihintay ng ganitong kuwento.

Aniya, “hindi ko malilimutan ang experience ko rito sa Mina-Anud ay mapagbubuti mo ang isang trabaho kapag nag-e-enjoy ka 100%. Isa ito sa hinihintay kong proyekto kasi unang-una matapang pero kahit na sobrang bigat ng tema, light ang pag-atake ni Direk Kerwin. Kaya sabi ko, hindi ko puwedeng palampasin ang project na ito.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tungkol sa nakuhang maraming bags ng cocaine na nakitang inaanod sa dagat na malapit sa Samar at dahil wala namang alam ang mga tao roon inakalang sabon ito at ginawang panlaba.

“Sobrang na-excite ako nang malaman ko ang konsepto, gusto ko ng magsimula agad. Hindi ako na-bother na tungkol ito sa droga, mas inisip ko ‘yung aral na matutunan kapag napanood nila ang pelikula kaysa sa ‘pag highlight sa element ng pelikula,” saad ng aktor.

Surfer sina Dennis at Jerald Napoles sa pelikula kaya nakapag-surf sila sa location habang naghihintay sila ng set-up at kapag eksena na ay ito rin ang ginagawa nila.

At dahil parang nagbabakasyon lang ang peg nina Dennis sa shooting ay natanong kung hindi niya inimbita o isinama ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado para sabay silang mag-surf off-cam.

“Hindi po, eh. Kasi po hindi ko pinagsasama ang trabaho at lovelife, mas gusto ko ‘yung masolo ko lang siya doon oras na ‘yun. Focus ako sa dalawang magkaibang bagay,” paliwanag ng aktor.

Pero kapag sariling oras na nina Dennis at Jennylyn ay nakakapag-surf sila, “naisama ko naman na siya.”

Samantala, natanong ang aktor tungkol sa ‘ghosting’ na nauso dahil sa isyung Gerald Anderson at Bea Alonzo. Nagawa na rin ba ni Dennis ang hindi magparamdam kay Jennylyn.

“Ay hindi po, walang problema. Masaya po kami parati,”saad ng aktor.

Hindi rin daw ito nagawa ni Dennis sa iba niyang naka-relasyon niya.

“Parang hindi kasi puwedeng mangyari yun sa isang seryosong relasyon. Para sa akin, hindi na puwedeng hindi pa alam na break na pala kayo na ikaw lang ang nakakaalam.

“Ako kasi yung tao na ayokong nakakasakit ng loob sa isang tao eh, sa kapwa. Kaya siguro hindi ko alam yun at ngayon ko lang narinig yung term na yun,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa, “hindi kasi ako sanay na maging perwisyo sa isang tao, ayokong magbigay ng problema.”

Iba na ang takbo ng utak ngayon ni Dennis dahil future na nila ni Jennylyn ang pinag-uusapan nila tulad ng pagso-sosyo sa cookie business ng aktres na malakas sabi rin ng manager nitong si Becky Aguila.

Kaya hindi naiwasang tanungin kung malapit na ang hinihintay ng lahat, ang proposal ng aktor sa aktres.

“Iba kasi akong tao eh. Mga ganung bagay, hindi ko talaga binu-broadcast. Malalaman nyo rin kapag nandiyan na. Nag-iipon ako sa maraming bagay lalo na sa future namin,” pahayag ni Dennis.

Anyway, bago ipalabas ang Mina-Anud sa Agosto 21 ay mapapanood muna ito sa Agosto 10 sa CCP bilang closing film sa Cinemalaya 2019.

Bukod kina Dennis at Jerald ay kasama rin sina Matteo Guidicelli, Marc Felix, Mara Lopez, Dionne Monsanto, Elia Ilano, Anthony Falcon at Lou Veloso.

-Reggee Bonoan