UMAASA si Geoff Eigenmann na magtatagal ang karakter niyang Vito Dela Cuesta sa bagong teleseryeng The Killer Bride na pagbibidahan ni Maja Salvador bilang si Camila Dela Torre na ididirek ni Dado Lumibao.

geoff1

Sa seryeng Los Bastardos kasi ay hindi nagtagal ang karakter ni Geoff bilang batang Ronaldo Valdez (Don Roman).

Aniya, “sa pagkakaalam ko po full ang role ko sa The Killer Bride unless patayin ako in the middle of the show. But I think yes, and it’s good to be back as part of the show kasi sa Los Bastardos sa pilot (episode) lang ako. So, it’s good to know na kasama ako sa show.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ikalawang pagtatrabaho na ito nina Geoff at Maja, nauna nang nagsama sa First Day High film, 2006 pero hindi sila magka-partner.

“Very happy na muli kaming magkasama, actually sa First Day High, hindi kami partners doon, group of friends’ kami, then sa Moonriver (TV series) naman, it was our first pairing but sobrang bata pa namin noon and feeling ko mas tama itong Killer Bride to launch as tandem kung baga kasi mas mature na kami at mas marami ng na-experience sa buhay in our respective lives na maipapakita namin on screen.”

“So far naman maganda ang reaksyon sa mga tao that we have chemistry on screen kasi as an actor ako nababase ko ‘yun how people react on set, so kung maganda ang reaksyon nila on set while doing our scenes siyempre maganda rin ang reaction ng audience,” pahayag ng aktor.

Kaagad um-oo si Geoff nu’ng i-alok sa kanya ang karakter na Vito sa Killer Bride dahil mahirap itong palampasin.

“If you’re an actor and in any stage of your career I’ll say na hindi mo dapat palampasin ang ganitong offer, it’s a huge show na when I saw the trailer ngayon palang inaabangan nang lahat ng tao I’m excited,” kuwento ng aktor.

As of now ay sina Maja at Joshua Garcia pa lang ang nakaka-eksena ni Geoff kaya wala siyang masabi pa nu’ng tanungin siya kung ano ang komento niyang ka-trabaho si Janella Salvador.

Ano ang best thing para kay Geoff bilang Kapamilya actor, “actually, sobrang iba when you’re within the wall of ABS (CBN), iba ‘yung ihip ng hangin dito, it’s just air of professionalism and the fulfillment of doing the TV shows is different.”

Klinaro ni Geoff na pagkatapos ng guest appearance niya sa Los Bastardos ay hindi siya bumalik sa GMA 7 kung saan galing ang aktor.

Pero project basis ang kontrata ng aktor sa Kapamilya network, “as of now it’s a per project basis and no exclusive.”

Dagdag pa, “before this (TKB), meron pa akong ginawa for TFC iWant na Hinahanap-Hanap kita which is get to air yet which is handled by the same group with Direk Dado, kasama ko rin si Maja, si Pepe Herrera, group of six friends na sa Dubai namin sinyut. This was prior to that and when we got back here, Killer Bride was presented to me, so I’m very happy naman ang thankful kasi sinasabi nila na I deserved the role (Vito). Sobrang pressured on my part, but sobrang grateful.”

Anyway, abangan ang The Killer Bride sa Agosto 12 pagkatapos ng The General’s Daughter, bukod kina Geoff, Janella, Joshua at Maja ay kasama rin sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, at Sam Concepcion.

Mapapanood din ito sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) at para sa updates ay sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom. At sa mga hindi nasubaybayan sa regular screening ay puwedeng mapanood ito sa iWant pagkatapos.

-REGGEE BONOAN