NAGKAMPEON si Dandel Fernandez ng Maynilad Water Services Inc. sa 10th leg ng National Executive Chess Championship na pinamagatang Coron Festival na ginanap sa 24/7 Balikbayan Resort sa Barangay Bariis sa Tiwi, Albay.

Si Fernandez ay nakapag poste ng limang puntos sa 6-round rapid Swiss System format competition.

Sumunod naman si National Master Jose Efren Bagamasbad ng Talisay, Camarines Norte sa second place na may 4.5 points sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned event na sinuportahan nina Mayor Jaime C. Villanueva at ng Tiwi Chess Club na matagumpay na inorganisa ni Mr. Alexis Orlain habang ang Chief Arbiter naman ay si Mr. Alexander “Alex” Dinoy ng Chess Arbiter Union of the Philippines.

Kapwa nakalikom naman sina Noel Leron at National Master Glennen Artuz ng Naga City, Camarines Sur ng tig-apat na puntos para magsalo sa third at fourth place.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?