NASIKWAT ni Mark Rodrigo ang titulo via tiebreak sa katatapos na 2019 Concepcion Dos Chess Club Active Chess Championship na ginanap sa Dawg's Boardgame Cafe sa Lilac Street, SSS Village, Concepcion Dos sa Marikina City nitong Sabado.
Nakisalo si Rodrigo sa first-second places kay Narcisco Gumila na kapwa nakalikom ng tig 4.5 points sa 30 minutes time control event na inorganisa nina Pastor Ranier Pascual at International Memory Champion Robert Racasa na tinaguriang God Father of Philippine Memory. Dahil sa highest tiebreak point ay naiuwi ni Rodrigo ang titulo habang tumapos naman si Gumila sa second.
Kabilang sa mga nakapasok sa top 12 winners ay sina Fide Master Christopher Castellano (3rd); Pastor Ranier Pacual (4th); Genghis Katipunan Imperial (5th); National Master Romeo Alcodia (6th); Joseph Lawrence Rivera (7th); Ruel Sto.Domingo (8th) April Joy Ramos Abudancia (9th); Raffy Lobitania (10th); National Master Rudy Ibanez (11th) at Salvador "Bobby" Dela Paz (12th).
Si Mr. Ryan Carandang ang nagsilbing chief arbiter sa nasabing chessfest.