ONLY ‘D BEST!
Ni Edwin Rollon
HINILING ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga National Sports Associations (NSAs) na tanging mga ‘deserving athletes’ ang isumite sa kani-kanilang team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 31 hanggang Disyembre 11.
Iginiit ni Ramirez na hindi nila papayagang palusutan ng mga asosasyon na maglalagay ng mga atleta na walang kakayahang manalo sa biennial meet.
MASAYANG nagpakuha ng group photo sina (mula sa kaliwa) PSC Commissioner Charles Maxey, PSC Chairman William I. Ramirez, Prof. Henry Daut, at Deputy Director Marlon Malbog matapos ang isinagawang ocular inspection sa Philippine Sports Institute sa Pasig City.
“President Duterte has instructed us to make sure that only the best will be in the National Team. Walang palakasan,” sambit ni Ramirez, tumatayo ring Chief of Mission ng Philippine delefation sa SEAG.
Aniya, maging ang mga FilAm athletes, higit yaong nakabase sa abroad ay kailangang magsumite ng patunay na kwalipikado sila sa PH Team.
“Especially sa measurable sports, yung mga Fil-foreigner na nasa abroad. They should proved they’re worthy for the People’s money. Hindi dahil inirekomenda ni ganito, isasama na natin sa team. Hindi puwede ‘yan,” aniya.
Sa entry by numbers na isinumite ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Sea Games Federation,may kabuuang 1,245 atleta (712 lalake at 533 babae) mula sa 56 sports/events ang nakalista.
Pinakamalaking delegasyon ang dalawang multi-events na aquatics na may 94 swimmers (47 lalake at 47 babae), apat na divers, 26 water polo (13 lalake at 13 babae) at dalawa sa open swimming, kasunod ang athletics na may 96 atleta ( 48 lalake at 48 babae).
“This two medal-rich sports could make or break our changes to win the overall title. But, of course, lahat dapat mag-deliver. Our marching order from the President is to make sure na maibigay sa atleta ang lahat ng kailangan nila,” pahayag ni Ramirez.
Sinabi ni Ramirez na 67 porsiyento ng mga atletang Pinoy ang kasalukuyang nasa abroad o nakatakda nang umalis para magsanay at sumabak sa international tournament bilang bahagi ng kanilang paghahanda.
Binangit din ni Ramirez na magiging mahigpit ang PSC sa aspeto ng pagpapalabas ng budget para sa SEA Games, partikular sa reimbursement sa mga naunang gastusin ng PHISGOC.
“Pag nakita naming hindi pasok sa COA regulation or sobra sa luxury, hindi naming ito apprubahan,” paglilinaw ni Ramirez.