Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Acting Secretary ng Department of Agriculture si William Dar.
Ito ang naging paglilinaw ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos una nang iulat na kinumpirma ni Senator Bong Go na iniluklok bilang DA Secretary si Dar kapalit ni outgoing DA Secretary Manny Piñol.
"Acting Secretary lamang ang capacity ng pag-upo ni Dar sa DA at hindi bilang Secretary na," pahayag ni Medialdea.
Una nang kinumpirma ni Go na ipapalit sa puwesto ni Piñol si Dar dahil ilalagay sa Mindanao Development Authority (MinDA).
Si Dar ay isang international administrator na dating director general ng International Crops Research Institute for the Semi-Arid Tropics.
Nagsilbi rin si Dar bilang executive director ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development.
-Beth Camia