Nasukol ng mga operatiba ng Kamuning Police Station ang apat na miyembro ng umano’y bigtime na akyat –bahay, na tumangay umano ng P13 milyon halaga ng salapi, alahas at mamahaling kagamitan sa Quezon City, iniulat ngayong araw ng pulisya.

AKYAT-BAHAY

Sa report ni PLt.Col Louise Benjie Tremor, hepe ng QCPDPS10, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Jimwell Bondoc, 27, ng No. 917 R. Papa St., Sampaloc, Manila; Eric Eulogio, 44, ng No. 54 Isocrates St., Vista Verde, Cainta, Rizal; Pierre Lance Lansang, 28, ng No. 32 Gold Land Mansion, 5th Ave., Bgy. Socorro, Cubao; at April Kyle Gonzales, 21, ng No. 067, Zone-6 Bgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan.

Nabatid na tina-target ng grupo ang mga condominium at dito nambibiktima ng mga negosyante.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Lumitaw sa imbestigasyon, na nitong Hulyo 28, nabiktima ang negosyanteng si Bernard Cloma, 51, PR Agent na may-ari ng isang condo unit sa Mother Ignacia Ave., Bgy. South Triangle.

Nakuha umano kay Cloma ang mga alahas, salapi at mamahaling kagamitan na nagkakahalaga ng P13,000,000, na nadiskubre ng biktima  dakong alas-dos ng madaling araw noong Hulyo 28.

Agad naman na ipinagbigay-alam ni Cloma sa pulisya ang insidente at sinalakay noon din ng mga operatiba ng QCPDPS10 ang Condo na inuupahan ng lider ng grupo na si Bondoc matapos ituro ng security guard.

Kasunod nito, sinalakay rin ng mga operatiba ang isang hotel sa Tomas Morato Ave., Bgy. South Triangle dakong alas-tres ng hapon, kamakalawa at dito na nasukol si Bondoc.

Nakuha sa suspek ang isang caliber 9mm pistol na may 9 na bala.

Nang pasukin ng mga pulis ang kuwarto ni Bondoc, huli sa akto na bumabatak ng shabu ang inarestong sina Eulogio at Gonzales.

Nasamsam sa dalawa ang caliber 45 Armscor na may 7 bala at spare magazine na may anim na 6 ammunition.

Naaresto rin si Lansang sa bahay ng alyas Dennis Co.

Nakapiit ngayon sang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Unit, na sinampahan ng kasong robbery, violation of RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, at violation of RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isinampa sa QC Prosecutors Office.

-JUN FABON