HANDA na lang lahat sa pagbubukas ng Mayor Carmelo G. Lazatin Jr. chess tournament sa Agosto 25 na gaganapin sa Robinsons Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ang torneong ito ay hinati sa dalawang dibisyon, ang Youth (14 years old and below, born on 2005 onwards) at Non-Master (2100 and below as of July 2019 NCFP rating list).
Ang magkakampeon sa Non-Master (2100 and below as of July 2019 NCFP rating list) ay tatangap ng P6,000 habang ang 2nd hanggang 10th placers ay mag-uuwi ng tig P4,000, P2,500, P1,500, P1,000 at P500 ayon sa pagkakasunod.
Maibubulsa naman ng maghahari sa Youth (14 years old and below, born on 2005 onwards) ang P3,000 habang ang 2nd hanggang 10th placers ay nakalaan ang tig P2,500, P1,500, P1,000, P500 at P300, ayon sa pagkakasunod.
Ang tournament registration fee sa non-master ay P300 habang nakalaan naman sa Youth ay P250.
Ito ay inorganisa ng Angeles City Sports sa pakikpagtulungan ng Young Chess Players Parents Association, Caine Knights at Robinsons Angeles Mall.
Hanapin si tournament organizer Jose Fernando Camaya (09158814752) para sa karagdagang detalye