AGAWAN sa Solong pamumuno ang defending c h a m p i o n S a n B e d a University at College of St. Benilde sa kanilang tapatan sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Magtutuos ang dalawang nalalabing unbeaten teams sa unang laro ng nakatakdang triple header ganap na 12:00 ng tanghali.

Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Red Lions at ang Blazers matapos maipanalo ang kani-kanilang unang apat na laro.

Huling tinalo ng dalawang koponan para sa ika-4 na sunod nilang tagumpay ang San Sebastian College. Nauna ang SBU noong Hulyo 26 sa iskor na 73-59 at sumunod ang CSB noong Hulyo 30, 77-72.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang 4-0 panimula ang pinakamagandang simula ng Blazers sa loob ng 21 taon. Kaya naman, sisikapin nila itong ipagpatuloy.

Sasandigan ni coach TY Tang para sa tangka nilang pag upset sa Red Lions sina James Pasturan, ang nagbabalik na si Yankie Haruna, Clement Leutcheu, Unique Naboa, Carlo Young at Edward Dixon.

Ngunit, sigurado namang hindi sila basta na lamang pagbibigyan ng tropa ni coach Boyet Fernandez na pangungunahan nina Evan Nelle, James Canlas, Donald Tankoua,Clint Doliguez at Calvin Oftana.

Sa ikalawang laban ganap na 2:00 ng hapon, tatangkain naman ng San Sebastian na makaahon sa kinahulugang tatlong sunod na kabiguan sa pagharap nila sa University of Perpetual Help na kababalik pa lamang sa win column matapos ding dumanas ng tatlong dikit na pagkatalo makaraang ungusan nitong Martes ang Arellano Chiefs,75-73.

Sa huling laro, pupuntiryahin naman ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang ikalimang panalo upang makatabla sa Letran sa markang 5-1, sa pagsagupa nila sa Arellano ganap na 4:00 ng hapon.

Mat apos mas i lat ng Emilio Aguinaldo College Generals sa ikalawa nilang laban, nakapagtala ng tatlong sunod na panalo ang Pirates, pinakahuli nitong Hulyo 26 kontra Jose Rizal University Heavy Bombers, 95-77.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12:00 n.t. -- San Beda vs St.Benilde (M)

2:00 n.h. -- San Sebastian vs Perpetual Help (M)

4:00 n.h. -- Arellano vs Lyceum (M)