SA natitirang dalawang linggo sa ere ng programang Sino ang May Sala?: Mea Culpa ay isa-isang tinanong ang cast na sina Bela Padilla, Keith Thompson, Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Tony Labrusca at Jodi Sta. Maria kung ano ang mami-miss nila sa isa’t isa.

Tony, Bela, Jodi, Kit at Ketchup

Ayon kay Bela, close sila ni Jodi at marami siyang natutunan sa aktres at sobrang mami-miss nito ang pag-aalagang ginagawa ni Jodi sa grupo nila.

“Kay Jodi, wala akong masabi. As in, mula umaga kung ano ang disposisyon niya ng 7am, hanggang umabot kami kung anong oras man, ‘yon siya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“’Di ko makakalimutan ‘yong pinagtitimpla niya kami ng milk tea sa set, ang lakas niyang magpakain, silang dalawa ni Ivana, actually. Pero si Mama Jods, lagi niyang sinisigurado na lahat kami komportable, lalung-lalo sa eksena. So, sobrang na-appreciate ko ‘yon.

“Sa life, travel, food, everything, ‘pag nakausap mo siya, ang dami mong matututunan,” masayang kuwento ni Bela na minsan ay lumilingon kay Jodi.

Aminado rin si Bela na sa huling dalawang linggo ay sobrang kabado sila dahil mabigat ang mga eksena nila sa mga nalalabing araw, “kanya-kanyang pupuntahan ang characters ng bawat isa na dating sobrang solid, unusual bonding.”

Kinunan daw sila ng iba’t ibang bersyon para malaman kung sino sa kanila ang pumatay kay Bogs (Ketchup) at pare-pareho nilang aabangan kung kanino ang eere.

Magtuluy-tuloy na kaya ang pagtatraydor ng magkakaibigan? Sino nga ba ang pumatay kay Bogs? Sino ang totoong maysala?

Anyway, si Bela na ang kapalit ni Nadine Lustre sa pelikulang Miracle in Cell in No. 7 na entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival kasama si Aga Muhlach.

“I’m very happy to take over the role, I’m used to doing this that, and ilang beses na rin namang nangyari na hindi ako ang first choice sa isang project. As a fan of Korean movies and shows, I’m very excited to given a chance to try and portray the character.

“I was in the beach when I got a call from boss Vincent (del Rosario) and asked me if I’m willing to get the role kahit na it was offered to Nadine. Usually I don’t have qualms about something like that. And I’ve seen the movies many times,” pahayag ni Bela.

Ano naman ang masasabi ng aktres kay Ag?

“Nakaka-stress, ayoko muna siya isipin,” tumatawang sagot ni Bela. “Gusto ko munang tapusin ang scenes dito sa ‘Sino ang Maysala’. I’m very thankful to the production of ‘Miracle in Cell No. 7’ because they moved the time of the shooting para makapag-concentrate muna ako dito sa show ngayong patapos na kami. They gave me also time to prepare myself, kasi I want to change my look also.”

Going back to Sino ang Maysala: Mea Culpa, abangan kung magtuluy-tuloy ang pagtatraydor ng magkakaibigan. Sino nga ba ang pumatay kay Bogs? Sino ang totoong maysala?

-REGGEE BONOAN