KAPOS man sa karanasan, handang sumabak si 5th ranked contender ArAr Andales kay WBA minimumweight champion Thammanoon Niyomtrong bukas sa Bangkok, Thailand.

“Unang world title fight ko ito kaya pagbubutihan ko at sisikaping matalo si Niyomtrong,” ayon sa 19-anyos at tubong Allen, Northern Samar na si Andales. “Wala akong panalo sa puntos kaya pipilitin ko siyang patulugin.”

Ito ang ikatlong depensa ni Niyomtrong sa isang Pinoy boxer makaraang magwagi sa puntos laban kina Rey Loreto at Toto Landero sa mga sagupaang ginanap sa Thailand upang mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 19 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts.

May kartada si Andales na perpektong 10 panalo, 2 lamang sa pamamagitan ng knockouts at umangat sa world rankings nang maisuot ang WBA Asia minimumweight belt sa pagtalo via 5th round knockout sa kababayan na si Charlie Malupangue noong Enero 28, 2019 sa Bacoor City, Cavite.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

-Gilbert Espeña