MATAPOS kantahin ni Lucas Garcia ng Idol Philippines ang awiting Hanggang sa grand finale ng nasabing singing contest ay tuwang-tuwang sinabi ng huradong si Vice Ganda kay Lucas ang mga katagang, “Kinakabahan din ako habang nagpe-perform ka. Parang kadugtong ka ng pusod ko, kasi nire-represent mo ang komunidad natin, ‘yong buong LGBT, ang laki-laki ng pride na ibinibigay mo sa aming lahat. Ang laki-laki rin ng pressure para sa iyo kasi bitbit mo kaming lahat at nagpapasalamat ako sa iyo kasi pinaniningning mo ang rainbow flag natin, ‘di ba?

Vice at Lucas

“Ang saya-saya dahil nadagdagan na naman ng isang baklang kinikilala ng buong Pilipinas. Napakahusay mo at masayang-masaya ako para iyo Lucas. Ako ang huling baklang nakapuno sa Araneta. Anak, ikaw naman ang susunod.”

Tipong tumagos sa puso at damdamin ni Lucas ang naging pahayag ng Vice kaya kahit ngiting-ngiti ay naluha rin si Lucas na marahil ay nakakita ng pangalawang ina sa katauhan ng actor-comedian.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Narito ang throwback speech ni Lucas bago tumapak ng entablado at umawit ng Hanggang:

“Mag-isa po akong pinalaki ng Mama ko. Kaya as much as possible tinutulungan ko siya para mas mapagaan pa ang buhay niya. Si Mama kasi, ‘yon ang number one cheer leader ko. Lalo na no’ng may pagkakataon dati na nare-reject ako sa mga singing contest dahil nga sa gender identity ko.

“Pero simula no’ng sumali ako sa ‘Idol Philippines’, sobrang laking tuwa ko kasi na-appreciate nila hindi lang ‘yong talent ko. Sinelebreyt din nila ‘yong gender identity ko at kung sino talaga ako.

“ A t ‘ y o n g m g a p i n a g d a a n a n kong round sa ‘Idol Philippines’ ay sobrang sarap sa pakiramdam dahil sa magagandang comment ng judges. ‘Yong suporta at ‘yong mga comments ay nararamdaman ko din ‘yon sa Mama ko. Kung ano ang suporta ng Mama ko sa akin, ‘yon din ang suporta ng mga tao sa akin.

“Ang isa sa nagpapawala ng kaba ko ay ‘yong laging sinasabi ng Mama ko na kahit anong mangyari at kahit anong sabihin ng tao, may kaisa-isang tao na tatanggap sa akin. At ‘yon ang Mama ko.”

Well, hindi lang ang Mama mo Lucas ang tumanggap sa iyo maging sino ka man kundi pati si Vice Ganda ay itinuring ka na ring “anak” at sa prediction nga niya, ikaw na ang susunod sa kanya bilang huling baklang nakapuno sa Araneta coliseum no’ng huli siyang mag-concert sa nasabing big dome. So there, sister!

-MERCY LEJARDE