APAT na buwan bago ang nalalapit na hosting ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games), hindi pa nasisimulan ang pagsasaayos sa venue ng skateboarding.

Sinabi ni Skateboarding chief Monty Mendigoria na makikipagpulong siya sa venue committee ng PHISGOC upang matukoy maisapinal ang usapin hingil sa tinukoy na venue para sa kanilang sports.

“We have an urgent meeting today. I am going to meet with the contractor, with Sir Tom Carrasco and probably with newly-elected POC Chief and Cong. Bambol (Tolentino),” pahayag ni Mendigoria sa panayam ng Balita.

Una nang tinukoy na posibleng venue ng skateboarding para sa SEA Games ang Tagaytay City, kung saan din gagawin ang kompetisyon sa BMX, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nasisimulan na kontruksyon dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, siniguro ni Mendigoria na kakayanin na matapos ang venue kung masisimulan sa madaling panahon.

“Yes definitely kakayanin na matapos bago mag start ang SEA Games. We’ll try not rush everything. We’ll make sure that everything would meet the requirements for world standard,” ani Mendigoria.

Sa kabila nito, patuloy naman ang paghahanda ng kanyang mga atleta para sa nalalapit na pagsabak para sa nasabing 11-nation meet.

Kamakalawa lamang nang tumapos sa ikalimang puwesto sa World ranking ang 2018 Asian Games gold medalist na si Margielyn Didal sa kanyang nilahokan na kompetisyon na 2019 Street League Skatebboarding World Tour na ginanap sa Los Angeles California.

Isa ang nasabing kompetisyon sa mga mapagkukunan ng puntos ni Didal para makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“We still have 3 more world championships to compete with, bago magqualify for 2020 Olympics, and I am happy kasi I am seeing a different Margie. Kasi she was with her manager, our sec-gen was also with her in LA kaya maganda ‘yung ipinakita niya. Mas lalo siyang magiging confident when she is with those people whom she is comfortable with,” aniya.

Inamin din ni Mendigoria na kabilang ang mga bansang Thailand at Malaysia na kanilang kinokonsidera na malalakas na kalaban sa SEA Games.

-Annie Abad