UNTI-UNTING napapatunayan ni Troy Rosario na hindi lamang siya basta big man bagkus maasahan na ‘defender’ ng TnT Katropa sa PBA Commissioner’s Cup.

Naging kasangga ang 6-foot-7 sa perpektong frontcourt partner para sa kanilang import na si Terrence Jones partikular sa ginaganap na playoffs kung saan ramdam ang laro ni Rosariokapwa sa opensa at depemsa para sa Katropa.

Naisalba ng 27-anyos na si Rosario ang top seeded TNT sa tangkang upset ng Alaska sa nakaraang quarterfinals at ngayo’y nakikipagsabayan sa mga big men ng Barangay Ginebra sa kanilang best-of-five semifinals series.

Dahil sa tatlong sunod na panalo sa playoffs nitong Hulyo 22-28 kung saan krusyal ang ipinakitang laro ni Rosario, napili siyang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna ang No. 2 overall pick noong 2015 draft para sa lahat ng mga TnT locals sa nasabing Three-game winning streak kung saan nagtala siya ng average na 20.0 puntos at 7.3 rebounds.

Sa 95-92 panalo kontra defending champion Barangay Ginebra sa opener ng kanilang semis series, nagtala si Rosario ng 24 puntos at 10 rebounds.

Kabilang sa mga tinalo niya para sa lingguhang citation ang mga kakamping sina Jayson Castro at Roger Pogoy at sina Alex Cabagnot, Christian Standhardinger at Arwind Santos ng San Miguel, at Rain or Shine standouts na sina Rey Nambatac at Javee Mocon.

-Marivic Awitan