MANDATO ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ‘welfare and security’ ng mga Pambansa atleta.
At s a ma k a s a y s a y a n g programa, isinulong ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang pakikipagtambalan ng ahensiya sa Social Security System para masiguro na makaka t anggap ang mga atletang Pinoy ng mga inihahaing benepisyo ng SSS, kabilang ang pension.
“Marami na kaming mga athletes na sikat na namatay na lang yung iba, yung iba nasa hospital at walang ganitong benepisyo. Kaya malaking bagay ito na maging SSS member sila,” pahayag ni Ramirez matapois lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni SSS Chief Executive Officer Aurora Ignacio.
“I’m sure the athletes will feel the debt of gratitude of having this opportunity. And I’m happy about this, I cannot express my thanks to the SSS.”
I g i n i i t n i I g n a c i o n a napapanahon ang programa ng PSC bunsod ng katotohanan na walang permanenteng katayuan ang mga atleta, coaches, at trainers sa Philippine Team.
“Kailangan silang bigyan ng proteksyon gaya nga ng sabi ng Presidente. Maraming atleta na tumatanda na lang at hindi sila natutulungan sa pagpapa-ospital sa kanilang pagtanda. So with the SSS coverage hindi lang ‘ho yung sickness at disability ang makukuha nila, there are other benefits lalo na sa mga atletang babae,” pahayag ni Ignacio.
Batay sa kasalukuyang sistema ng PSC, nakakatanggap ng mahigit P40,000 ang elite athletes, habang may P15,000 ang mga miyembro ng developmental pool. Sa kabila ng katotohanan na maihahanay ang mga atleta at coach sa ‘informal sector’ sinabi ni Ignacio na kinokosnidera silang employed bunsod nang natatanggap na buwanang allowances sa PSC.
“Kaya lang hindi sila kagaya ng usual na empleyado na formally registered, pumapasok ng 8-5 p.m. Actually ang athletes at coaches ay talagang more than 8-5 p.m. More than five days a week. So kailangan talagang bigyan sila ng proteksyon,” sambit ni Ignacio.
B i l a n g S S S memb e r s , kagyat na makakakuha ng pension ang miyembro sa sandaling makapaghulog ito ng kontribusyon na hindi bababa sa 120 buwan.
“Kung umalis sila sa pagiging atleta, puwede ring nilang ituloy ito,” sambit ni Ignacio. “Nasa sa kanila rin yan kaya kailangan gabayan din na hindi nila itigil ang contribution para makuha naman nila yung maximum benefit that they are entitled.”
Siniguro ni Ramirez na maibibigay ng PSC ang tamang kontribusyon ng mga atleta hangga’t nasa talaan sila ng ahensiya.
-Annie Abad