MARAMI ang nanghinayang sa pagba-backed out ni Nadine Lustre sa the Filipino adaptation ng Korean movie na Miracle In Cell No. 7 . Isa ito sa mga entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, at gagampanan sana niya ang role ng anak ni Aga Muhlach.

Nadine

Sa panayam kay Nadine, sinabi niyang kailangan niya ng pahinga after doing two films this year - Ulan, with Carlo Aquino that was released last March, and her upcoming movie with Sam Concepcion, Indak, scheduled for a launch this August.

“Pang-third movie ko na po kasi this year ‘yon if ever, so I really felt that I needed a break,” sey ni Nadine.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Dagdag pa niya, “kasi medyo na bu-burnout na din po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, mayroon pang promotions.

“So since it’s an MMFF Film, parang naisip ko na baka maging masyado ng hectic ‘yung schedule, mahihirapan din po ako na, at the end of the day, ayaw ko naman pong parang umayaw, dahil pagod ako at burnout ako.”

Nanghihinayang naman daw siya nang pakawalan ang proyekto ngunit naisip niyang mas importante na pagtuunan muna ang kanyang sarili.

“I’m not rushing naman po e, hindi naman po ako nagmamadali. Yes, I mean it’s a good project but to say na wala nang darating na magandang project in the future, para sa akin, uunahin ko lang ‘yung sarili ko and health ko.”

Naiintindihan naman daw ng VIVA, ang nangangalaga ng kanyang career, ang desisyon ni Nadine.

“They completely understand, even sa VIVA, when I told them about it na parang gusto ko po magpahinga. Kasi sobrang exhausting naman po ng dalawang magkasunod na movies and promo pa, and naiintindihan naman nila. And they understand kung gaano naging ka-hectic ang schedule ko for the past few months. Ever since nag-start ‘yong year, sunud-sunod na po ako, so they felt that I needed a break din po.”

Ang kanyang fellow-Viva artist na si Bela Padilla ang ipinalit kay Nadine sa Miracle In Cell No. 7.

“I’m really happy kasi Bela [Padilla] is a good actress, she’s also a good writer and she takes what she does seriously and she loves it and it shows naman po. Okay naman po, I’m happy that it’s Bela,” pahayag ni Nadine.

-Ador V. Saluta