SASALANG sa unang pagkakataon ang first conference runner-up Centro Escolar University ngayong hapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup kontra Asia’s Lashes Tomas Morato sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Galing ang Scorpions sa roller-coaster ride sa nakalipas na Aspirants’ Cup kung saan natapyas ang kanilang roster sa walong players sanhi ng alegasyon hinggil sa game-fixing pero nakatawid at umabot pa ng Finals bago natalo sa nagkampeong Cignal-Ateneo.

Mula roon, naka recover na muli ang Scorpions at nakatakdang iparada ang kumpleto na nilang line-up na muling pamumunuan nina Senegalese big man Malick Diouf at Rich Guinitaran.

“We are ready to put the past conference behind and start anew this Foundation Cup,” pahayag ni CEU coach Derrick Pumaren.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, nakatakdang harapin ng CEU ang hamon ng baguhang Asia’s Lashes na naghahangad ng solong pamumuno sa Group A matapos ang ang dikita na 106-105 desisyon sa AMA Online Education nitong Huwebes.

“Sana matuloy-tuloy namin yung panalo namin,” pahayag ni coach Alvin Grey, dating deputy coach nina Pido Jarencio at Jerry Codinera sa collegiate leagues.

Sa iba pang laro, sasabak na si dating PBA champion Jonas Villanueva sa kanyang unang laro bilang head coach para sa baguhang iWalk na sasalang kontra AMA Online Education sa unang laro ganap na 1:30 ng hapon.

Tatangkain naman ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare na sumalo sa liderato ng Group B sa pagsagupa sa Hyperwash sa ikalawang laro ganap na 3:30 ng hapon.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

1:30 n.h. -- iWalk vs AMA Online Education

3:30 n.h. -- Hyperwash vs BRT Sumisip Basilan-St. Clare

5:30 n.h. -- Asia’s Lashes vs CEU