TAPIK sa balikat sa coaching career ni Jimmy Alapag ang pagiging assistant coach sa Sacramento Kings sa 2019 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

ALAPAG: NBA material

ALAPAG: NBA material

Personal na inimbitahan ni Kings general manager Vlade Divac ang 41-anyos na tinaguriang ‘Mighty Mouse’ matapos mapahanga sa galing ng Alapag sa kanyang pagkakasama sa Gilas Pilipinas.

Sa ngayon, balik San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup si Alapag, ngunit kipkip niya ang malawak na karanasan na aniya’y magagamit niya sa kanyang coaching career.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“It was an amazing experience. I really valued every minute I spent with the team the past month. It’s really great to be with an organization and I learned a ton. I felt I was back in school a little bit with the amount of notes

I took. I’m thankful to Vlade and the entire organization for the opportunity,” pahayag ni Alapag.

Inamin naman niyang bukas siya sa oportunidad na muling makabalik sa Summer League.

“There are plans that I will join them again next summer. So in the meantime, I will continue to grow and learn then we’ll see what’s next,” aniya.

-Brian Yalung