MAGBIBIGAY ng kanilang pananaw at inihahandang programa ang mga opisyal ng muay thai at MMA, gayundin ang San Beda Red Cubs sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Nakatakda ang programa ganap na 10:00 ng umaga.
Ilalahad nina National MuayThai Kickboxing Council of the Philippines (NMKBCP) founder Emmanuel Sabrine at secretary-general Emmanuel Cabrira ang kampanya ng Team Philippines sa 2019 Southeast Asia Fighting Championship 62 sa MOA Arena.
Makakasama nila sina Sky Enterprises president Limuel Valla at vice president Roland Pangilinan, Victor Dela Riva at Yawyan Marven Dacuyan.
Panauhin din sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks si Underground Battle founder Ferdie Munsayac.
Sasamaham naman nina coaching legend Ato Badolato at coach Manu Inigo ang San Beda Red Cubs, sa pangunguna nina Justine Sanchez at Prince Ray Alao.
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng miyembro at opisyal at sports enthusiast na makiisa sa programa na mapapanood din ng live sa facebook via Glitter Livestream.