HINDI nagkukulang ang Phoenix management sa pagpapaala kay Calvin Abueva, ngunit sadyang pasaway ang cage star.
Sa panibagong kontrobersya na kinasasangkutan nito – sa pamilya – sinabi ni Phoenix team manager Paolo Bugia na hindi sila direktang nakikialam sa usapin, malibanna lamang kung apektado na ang performance ng players dahil sa gulo.
“Usually professional teams don’t meddle in the personal affairs of the players not unless it’s already affecting their games,” pahayag Bugia sa opisyal na media statement ng koponan.
“And Calvin is suspended indefinitely so hindi namin alam kung kailan talaga siya makakapaglaro.”
Nalubog pang lalo ang career ni Abueva nang isapubliko ng maybahay na si Ssam ang pang-aasubo at pambubugbog ng players sa kanya at mga anak.
Mariin itong itinanggi ni Abueva sa kanyang social media account, ngunit matatag ang pahayag ni Sam at handa umano nitong ilabas ang hawak na ebidensya para patunayan ang kanyang mga naging pahayag.
Nasuspinde ‘indefinitely’ ng PBA si Abueva matapos ang sadyang pananakit ang pambabatos kay TNT import Terrence Jones nitong Hunyo. Bagi ot, pinagmulta siya ng liga matapos bastusin ang nobya ng kapwa player niyang si Bobby Parks Jr.
Habang suspindido, naglaro ito sa ‘ligang labas’ sa lalawigan ng Rizal, na tahasang paglabag sa panuntunan ng Games and Amusement Board (GAB) na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa kanyang inasal sa PBA.
Iginiit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na usap-usapan sa abroad nang dumalo siya sa laban ni Manny Pacquiao sa Los Angeles ang ginawa ni Abueva kay Jones na isang dating NBA player.
“Nakakahiya talag. GAB is still imbestigating his case. But this time, he directly violated the GAB regulation when he played outside the PBA without asking permission from the GAB. We could possibly revoked his licensed,” pahayag ni Mitra.
Ayon kay coach Louie Alas, sinabi umano ni Abueva na angkakulanmgan sap era ang nagudyok sa kanya na maglaro sa ‘ligang labas’.
“Kailangan niya raw ng pera. Siyempre may pamilya rin namang sinusuportahan yun,” sambit ng Phoenix coach. “Sabi ko nga kay Calvin, sana kahit sa akin na lang niya ipinaalam at ako na ang nagsabi sa management tungkol doon.”