NANG makatanggap kami ng imbitasyon mula sa katotong Ambet Nabus sa contract signing ng alaga niyang singer sa DNA Music na sister company ng ABS-CBN Music, ay napaisip kami kung sino dahil hindi naman niya binanggit pero si Marion Aunor ang alam naming mina-manage niya noon pa.

Cool Cat Ash

Cool Cat Ash

At sakto, si Marion naman ang nakita namin doon, pero kaagad kaming ipinakilala ng katotong Ambet kay Ashley Aunor na bunsong kapatid ng una at siya ang pipirma sa DNA Music bilang si Cool Cat Ash na ang genre ay pop rock. Talagang rockstar ang dating ni Cool Cat Ash sa kanyang black leather jacket, tight black pants at black boots.

Muli kaming lumingon kay Marion at nahulaan na nila ang itatanong namin kung bakit malaki ang pagkakaiba nilang magkapatid, pero ang sabi kaagad sa amin, “package po kami kasi siya ‘yung producer ng kanta ko, but we both sing, siya pop rock but I wrote the lyrics of ‘Delikado’, ‘yong soundtrack ng movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao na ‘Just A Stranger’ for Viva Films,” pahayag ng panganay ni Ms. Lala Aunor.

Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan

Habang naghihintay kami ay nabanggit ni Cool Cat Ash na naka-swimsuit siya sa kanyang music video dahil ang advocacy niya ay para sa mga plus size na tulad niya. No to body shaming, ika nga.

“’Mataba’ po ang title ng song ko para po ito sa mga katulad kong mataba,” saad ni Ashley.

Ito rin daw ang nagustuhan ng Star Music dahil wala pang katulad ng genre ni Cool Cat Ash na nag-pitch sa kanila ng awit.

Dagdag pa ng mommy Lala ni Cool Cat Ash, “puro matataba rin ‘yong dancers niya sa music video,” na idinirek ni Carlo Alvarez.

Nagulat kami sa bunsong kapatid ni Marion dahil ibang-iba pala talaga ito. Komedyana ito at habang kinukunan ng litrato ay panay ang make face. “I’m excited, ecstatic. Magaling akong tao, joke lang,” tumatawa nitong sabi. “Natutuwa talaga ako today (contract signing) of course. Thank you to sir Roxy (Liquigan), to everyone here.”

Habang kausap si Cool Cat Ash ng bloggers at print media ay pinatutugtog naman ang single niyang Mataba na hip-hop rock ang genre.

“Wala pa pong hip-hop songs right now, so and especially positivity po ‘yong theme ng song so I hope everyone enjoys it and maka-inspire po ng mga people like me,” sabi ng bagong singer.

Ang mga influences niya ay sina, “my first influence po is Elle King (Shame), Aerosmith and Guns and Roses.”

At hindi naiwasang hindi matanong kung bakit magkaiba sila ng tipo ng Ate Marion niya pagdating sa musika.

“Kasi hindi ko siya gusto, joke lang,” tumatawang sagot ni Cool Cat Ash. At naloka naman si Marion sa tinuran ng kapatid at nagbirong, “lagot ka sa akin.”

“Joke lang (sabay tingin sa ate). Of course, nagko-collaborate naman po kami,” sabi ulit ni Ash.

Tinanong namin kung hindi ba niya sinubukang kantahin ang mga kanta ng Ate Marion niya.

“Sa bathroom lang po tapos nagagalit siya (Marion) kasi nagha-hard daw ako. The differences po, well, ‘yong sa kanya were the laid back music and mine is the rock and roll music. Any genre po kaya po namin i-produce, i-write,” kuwento pa ng dalaga.

Ang awiting Mataba ay collaboration nina Ash at Marion pero ang una ang nag-produce, “All of our music now kami po ang nako-collaborate.”

Matagal na palang iniimbita si Ash sa Star Music pero ngayong taon lang siya pumayag.

“I feel this is the right time, I’m of age now and I feel like and saka almost there tapos na ako ng school, almost done with college like one and a half years na lang, I think it’s the right time for me to actually work.

“I’m taking up music production sa Berklee College of Music (Boston, Massachusetts), but online, it’s an awesome experience,” kuwento ni Ashley.

Mas pinili ni Cool Cat Ash na manatili sa Pilipinas kaysa lumipad sa Berklee kung saan may offer siyang doon mag-aral physically, pero ayaw niya dahil gusto na niyang simulan ang singing career niya sa bansa.

Idiniin din ni Ashley na walang comparison sa kanila ng Ate Marion niya at hindi nila napag-uusapan ang tungkol dito, “parang puro non-sense lang naman pinag-uusapan namin sa bahay, walang problema po. Kaya no comparison sa aming magkapatid. Malaking pagkakaiba ng music preferences namin, although she gives me tips in songwriting. More of the hugot-type of songs ang linya raw kasi ni Ate.”

At proud chubby si Ashley kaya niya naisip ang kantang Mataba na sinulat ng Ate niya.

Aniya, “sina Lizzo at Meghan Trainor ang naging inspirasyon ko sa pagbuo ng kantang ito. I really admire their advocacy on body positivity and body shaming. Sana marami akong ma-inspire na tulad na maging confident at matanggap kung ano sila.”

Ang isa sa pinakapangarap ni Cool Cat Ash ay maka-collaborate ang OPM icon na Sampaguita.

Samantala, puwede nang i-download ang Mataba ni Cool Cat Ash sa Spotify at iba pang digital platforms. Out na rin ang kanyang music video sa Youtube.