Nababahala si Senador Richard Gordon sa rami ng mga itinalagang  retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines  (AFP) at Philippine National Police  (PNP) sa iba't ibang sa sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Gordon, kinikilala niya at iginagalang ang kakayahan ng mga ito  ngunit ikinababahala umano niya ang kulturang "Obey First Before You Complain". Kung uunawain ang naturang “kultura”, lumalabas na ang anumang ipag-utos ng kanilang Commander-in-Chief sa katauhan ng Pangulo, ay tiyak ang agad nilang pagtalima.

Aniya, mas mainam kung magpahinga muna o huwag munang tumanggap ng anumang trabaho sa gobyerno ang mga tauhan ng PNP at AFP sa loob ng tatlong taon, nang sa ganoon ay mawala ang “kultura” na kanilang nakagisnan mula nang maging kadete.

Ang pagtatalaga sa mga pulis at military sa posisyon sa pamahalaan ay matagal ng ginagawa ng mga naging Pangulo ng bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Giit naman ni Senator Panfilo Lacson, karapatan ng Pangulong magtalaga at magsibak ng mga opisyal sa pamahalaan, alinsunod sa Saligang Batas.

Aniya, may Commission on Appointment (CA) naman na puwedeng humaharang sa desisyon ng Pangulo.

-Leonel M. Abasola