HINDI gaanong pinasok ng moviegoers ang Family History na pinagbidahan nina Michael V at Dawn Zulueta.

Dawn at Michael V

Nakapanghihinayang dahil ito pa naman sana ang balik-pelikula uli ng GMA Films. Sana man lang ay nai-promote nang maayos at maganda. Mas gaganahan kasi siyempre ang top executives ng Siyete kung kumita sana ito nang malaki.

Matatandaang ipinatigil uli ni GMA Network Chairman/ CEO ang kanilang film production arm dahil sa halip na mag-contribute ng income ay pinapasan ito ng kompanya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Natatandaan ko pa sa one-on-one interview namin noon ni Atty. Gozon nang sabihin niyang walang kinita ang Rizal, at noon siya unang nagdesisyon na itigil ang film arm ng GMA.

B u m a l i k s i l a u l i s a pagpoprodyus ng pelikula pero naulit lang ang mahinang palo sa takilya. Kaya tigil uli.

Napakahusay na CEO ni Atty. Gozon, kulelat sa kanya ang counterparts niya sa ibang networks. Sa katunayan, isang taon ko nang isinusulat na mas malaki ang kinikita ng GMA kaysa ABS-CBN, ang closest competitor nila.

Pagkaraan ng maraming taon, nakipag-co-venture ang GMA Films sa bagong production company ni Michael V. Ayon sa naglalabasang writeups, si Bitoy mismo ang nagsulat ng script at nagdirihe nito.

Tricky business ang film production. Dahil kahit na ano pang ganda ng pelikula mo kung bano ang promotion at publicity, tiyak na iilan lang ang darating na manonood.

Mahina ang promo ng pelikula na dapat ay nilakasan at ginalingan dahil sanay ang audience na libreng napapanood sa TV si Michael V. Nuknukan pa ng ka-cheap-an ang “press release” nila na napasakamay ni Reggee Bonoan at isinulat kamakalawa.

Ang biruan tuloy ng ilang katoto, mukha raw kasing inilihim ang pelikula.

M a y b a h i d i t o n g katotohanan, dahil kami mismo ay premiere night na nang maging aware na may ganito palang pelikula. Narinig lang namin sa isang press conference na kasabay ng event.

Sayang, mas masaya sana ang entertainment industry kung kumita ito dahil tiyak na gaganahan uling mag-produce ng marami pang pelikula ang GMA Films.

Better luck next time uli tayo.

-DINDO M. BALARES