FINALLY, magsisimula nang mag-shooting ang Isa Pang Bahaghari, na magtatampok kina Superstar Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa na ididirek ni Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista at intended for the coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Nora at Phillip

Unang plinano ni Direk Joel ang muling pagsasama nina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon, pero hindi p’wede sina Pip at Boyet, kaya sina Phillip at Michael ang pumalit sa kanila. Hindi ba nagdamdam si Ate Guy na hindi natuloy ang unang cast ng Isa Pang Bahaghari?

“Bahala na sila, decision nila ‘yon at respetuhin na lang natin,” nakangiting sagot ni Ate Guy sa story conference ng movie. “Masaya naman akong makatrabaho at na-miss ko na si Kuya Ipe na ilang pelikula rin ang pinagsamahan namin noon. Pareho silang mahusay na aktor ni Michael de Mesa. Masaya rin ako sa mga young stars na makakasama namin sa movie. At most of all, ang muling maidirek ni Joel Lamngan.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

“Alam ba ninyong lahat ng ginawa kong movie kay Direk Joel, ang ‘Flor Contemplacion story’, ‘Muling Umawit ang Puso’, ‘Bakit May Kahapon Pa’, ‘Sidhi’, at ‘Hustisya’, lahat nanalo akong best actress?”

Sa Isa Pang Bahaghari, gagampanan ni Ate Guy ang role ni Lumen, high school friends sila ni Ipe at Michael. Si Ipe ay seaman at nawala sa laot. Akala ni Lumen, inabandona na sila ni Dom (Ipe), ‘yon pala, sumabog ang oil tanker nila at napadpad siya sa Cuba. Wala pang means of contact noon at after 24 years, bumalik si Dom, nahanap niya si Lumen sa tulong ni Rey (Michael). Galit si Lumen sa kanya sa pag-aakalang iniwan siya at mga anak nila. Kasunod na nito ang mga dramatic scenes. Si Michael naman ay gaganap na role ng gay impersonator at ito ang naging kasama ni Lumen.

Hopefully, sana ay mapili ang Isa Pang Bahaghari bilang isa sa apat na pelikulang bubuo sa eight official entries sa MMFF sa December. Kailangan nilang maisumite ang finish product sa deadline ng MMFF Executive Committee sa September 20, 2019.

-NORA V. CALDERON