Posibleng ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Endo Bill bilang urgent measure.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, magsusumite si Labor Secretary Silvestre Bello III ng isang bersyon ng Security of Tenure (SOT) Bill.

Mayroon umanong binago sa panukala si Senator Joel Villanueva at dito maaaring isama ang bersyon ni Bello.

Iginiit naman ni Bello na mas maraming malilliit na negosyo ang mapasasara kapag pinirmahan ng Pangulo ang unang endo bill lalo at hindi pa nila kayang tugunan ang mga nakasaad sa panukala, gaya ng benepisyo para sa mga manggagawa.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Nauna nang sinabi ni Panelo na hindi isinasantabi ng Malacañang ang posibilidad na sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang bagong bersyon ng panukalang batas ni Senator Villanueva, na layong tuldukan ang illegal na kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.

Dito ay inatasan ng Pangulo si Bello na bumalangkas ng bagong bersyon at isumite ito sa kongreso.

Ayon pa kay Panelo, isinaalang-alang lamang ng Pangulo ang kapakanan ng mga manggagawa dahil kapag nilagdaan ang panukalang batas, maaaring magsara ang ilang negosyo at tuluyang mawalan ng trabaho ang mga manggagawa sa labor sector.

-Beth Camia