PINAGHARIAN National Master Carlo Lorena ang katatapos na 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup nitong Sabado sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St., Lucban, Quezon.

TINANGGAP ng mga nagwagi (mula sa kaliwa) National Master Rudy Ibanez (Chief Arbiter), Joselito Cada (Top Under 2200), Fide Master Randy Segarra (second place), National Master Carlo Lorena (champion), Dandel Fernandez (third place), Dr. Jenny Mayor (fourth place) at Dr. Alfred Paez (fifth place) sa awarding ceremong ng 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup sa Lucban, Quezon.

Ang dating Colegio San Juan De Letran standout ay nakalikom ng 6 points para maisubi ang champion’s purse na P7,000 at trophy.

Si Lorena ay suportado nina Albay Governor Al Francis Bichara at Daraga, Albay Mayor Victor Perete.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakarehistro si Fide Master (FM) Randy Segarra ng limang puntos para matangap ang P5,000 at medal sa event na sinuportahan nina engr. Antonio “Tony” Balinas , Cayabu, Tanay Rizal Barangay Chairman Antonio Bolanos , Zurea Hotel at Chito’s Restaurant.

Nakapagtarak naman si Dandel Fernandez ng Maynilad ng 4.5 points para makisalo sa third hanggang fifth spots na kinabibilangan nina Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor ng Sibuyan Island, Romblon at Dr. Alfred Paez ng Cabuyao, Laguna.

Nakaungos si Henry Boroc ng Bicol kay Andrew Sorima ng Makati City sa tiebreak points para magkampeon sa challenger’s division. Ang dalawang manlalaro ay nakaiskor ng parehong limang puntos sa pitong rounds.

Si National Master Rudy Ibanez ang nagsilbing Chief Arbiter sa nasabing rapid chessfest.

Ang susunod na leg ay gaganapin sa 24/7 Balikbayan Resort Bariis, Tiwi, Albay sa Agosto 3 at 4. Makipag-ugnayan kay Mr. Alexis Orlain sa 0908-4834-310 at 0916-4220-406 para sa karagdagang detalye.