NAKATSIKAHAN namin si Jobelle Salvador pagkatapos ng Q&A portion ng The Killer Bride grand mediacon.

Jobelle

Tinanong ni Yours Truly kung ano ang nag-udyok sa kanya para balikan ang showbiz world since matagal-tagal na rin siyang nawala sa showbiz limelight.

Umuwi daw muna si Jobelle sa ‘Pinas mula Las Vegas Nevada kung saan two years na siyang naninirahan. Last May daw kasi ay may natanggap siyang offer mula sa executive producer ng The Killer Bride para sa role na mother ni Geoff Eigenmann na groom ng bride na si Maja Salvador. Kaagad niyang nagustuhan ang offer at tinanggap, pero ‘di raw niya akalain na tatlo silang Salvador sa hilera ng mga lead cast.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Si Maja ay anak ng yumaong aktor na si Ross Rival. Kapatid ni Ross ang ama ni Jobelle na si Leroy Salvador. Mag-pinsan sina Jobelle at Maja.

Paano niya naging relative si Janella?

“Janella is my pamangkin. Anak ni Juan Miguel (Salvador) si Janella na pinsan namin. Kasi ang lolo ni Juan Miguel is kapatid ni Lolo ko, si Lou Salvador.

“Pero sa amin, wala kaming second-second, first-first. We’re all related. We’re all Salvador. Walang first, walang second.”

Halimbawang bride siya ngayon, willing ba siyang i-share ang kanyang groom?

“Of course not. Hindi naman ako Muslim,” tumatawang sagot ng aktres.

Posible ba siyang maging killer bride ‘pag nalaman niyang may ibang babae ang groom niya?

“Hindi naman siguro. Tendency? Ay, wala naman po. Hindi naman po ako papatay. Kung ayaw niya sa akin, I’ll just let him go.”

Oo nga naman. Incidentally, engaged na siya sa isang Pinoy businessman na naka-based din sa Las Vegas Nevada at ang laki ng engagement ring na nakita namin sa daliri niya, in fairness!

Baka raw sa susunod na taon idaos ang kasal nila at kung siya ang masusunod, gusto niyang sa Pilipinas magpakasal.

Anyways, sa August 12 na magsisimulang umere ang The Killer Bride.

-MERCY LEJARDE