NAKATUON ang pansin kay Lawyer Lawrence Earl Roy Gersalia ng Bulan, Sorsogon at dating miyembro ng Polytechnic University of the Philippines chess team sa pagtulak ng 10th leg National Executive Chess Championship na tinampukang Coron Festival sa Agosto 3 at 4 na gaganapin sa 24/7 Balikbayan Resort sa Barangay Bariis sa Tiwi, Albay.

Masisilayan din sa susunod na buwan sa event na suportado nina Mayor Jaime C. Villanueva at ng Tiwi Chess Club ay sina National Master Carlo Lorena ng Daraga, Albay na sariwa pa sa pagkampeon sa 9th leg National Executive Chess Championship na pinamagatang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup nitong Sabado sa Lucban, Quezon.

Nanguna ang magkapatid na sina National Master Ronald, Rommel at Roldan Llavanes ng Naga City maging ang magkapatid na sina National Master Glennen at Atty. Rudy Artuz ng Naga City, Naga City Chess Masters Association Inc. president June Haig ng Naga City, Rene del Castillo ng Bulan, Sorsogon, Ricardo Martin ng Guinobatan, Albay, Agrifino Camposano ng Camarines Sur, Jan Asor ng Virac, Catanduanes, Archimedes Ballatan ng Tabaco City, Albay, Architect Marvid Zuniga ng Legaspi City, Albay, Woman National Master Carmelita Abanes ng Daet, Camarines Norte at National Master Efren Bagamasbad ng Talisay, Camarines Norte.

Ang pagpapatala sa NCFP-sanctioned event ay P1,000 , ang on-site registration ay P1,200 habang ang annual membership ay P1,000.Libre naman ang registration fee ng Tiwihon players habang tig P50 naman sa elementary at high school divisions na manlalaro.

Makipag-ugnayan kina Alex Orlain (09084834310 or 09164220406), Atty. Cliburn Anthony Orbe (09188974410), Dr. Jenny Mayor (09351004755), Dr. Fred Paez (09212728172), Mr. Joselito Cada (09175117300), Mr. Martin “Binky” Gaticales (09998851432) at NM Efren Bagamasbad (09157209145).

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!