MATAPOS ang 10 araw lamang ng eliminasyon, ika-apat na bahagi pa lamang ng kabuuang iskedyul ng eliminasyon para sa 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby, ang magpartner na hosts na sina Joey Sy at Eddie Boy Ochoa ay malakas ang loob na inihayag na malalampasan nila ang target na 2,000 kalahok upang maabot ang P10 milyong garantisadong premyo na itinaya nila para sa pinaka-ambisyosong BNTV Cup matapos na makapagtala ng 726 kalahok sa ngayon pa lamang.

Itinataguyod ng Thunderbird – ang hindi maikakailang nangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong sa buong mundo -- ang BNTV Cup ay itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy – isa sa mga hinahangaang national endorsers ng Thunderbird.

Nasa ikatlong taon na ang 2019 BNTV Cup at isa nang 9-stag early-bird national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

Magpapatuloy ang labanan ngayon Hulyo 30 sa Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; at sa Imus Sports Arena, Cavite at bukas, Hulyo 31 sa Edward’s Coliseum, Talavera, Nueva Ecija.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Para sa buwan ng Agosto, ang mga labanan ay sa Homapon Cockpit- Legaspi City (Aug. 2) ; San Pascual Cockpit , Batangas (Aug. 3); New Aringay Slasher Cockpit, La Union (Aug. 5); Bacolor Cockpit, Pampanga (Aug. 5); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 5); Sta. Barbara Coliseum, Pangasinan (Aug. 8); Pasig Square Garden (Aug. 8); San Juan Cockpit, Batangas (Aug. 9); Sta. Monica Cockpit, Quezon City (Aug. 10); Candon Sports Complex, Ilocos Sur (Aug. 10); New Negros Coliseum, Bacolod ‘Straight 5’ (Aug. 10); Bacolor Cockpit, Pampanga (Aug. 12); Metro Darasa Coliseum, Batangas (Aug. 12); Little Coliseum, San Pablo, Laguna (Aug. 13); B-Meg Integra Power Max Arena -Cebu ‘straight 5’ (Aug. 13);

San Juan Coliseum, Metro Manila (Aug.14); A. Tabora Sports Club, Baguio City (Aug. 14) Zamboanga Don Jun Pe Coliseum ‘Straight 5’ (Aug. 15); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 16); Morong Cockpit, Rizal (Aug. 17); San Nicolas Cockpit, Ilocos Norte (Aug. 17); Calaca Cockpit, Batangas (Aug. 17); Lamitan Cockpit, Basilan ‘straight 5’ (Aug. 17); Salceda Sports Arena -Bicol (Aug. 17); Fantastic Coliseum, San Pablo, Laguna (Aug. 20); Del Monte Cockpit Arena, Malabon (Aug. 23); Siquijor ‘Straight 5’ (Aug. 23); San Carlos Cockpit, Palawan ‘Straight-5’ (Aug. 24) at Tablas Cockpit Arena, Romblon ‘Straight-5’ (Aug. 24).

Ang 4-stag grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa ika-9 ng Setyembre.