LUMAPAG na nitong Lunes ang Irish boyband na Westlife sa ‘Pinas para sa inaasahang two-night concert nila. Ibinahagi ng concert promoter na Wilbros Live sa Facebook ang video ng pagdating sa Manila nina Nicky Byrne, Kian Egan, Markus Feehily at Shane Filan.

“Welcome to the Philippines!” caption ng video.

Hindi rin nagpahuli si Markus at nag-post ng litrato niya na sa harap ng eroplano at caption niya: “Philippines, WE ARE HERE!”

Nasa Manila ngayon ang Westlife para sa kanilang The Twenty Tour, na gaganapin sa Hulyo 29-30 sa Smart Araneta Coliseum. Inaasahang tutugtugin ng banda ang hits nilang Mandy, Uptown Girl, If I Let You Go, My Love, More Than Words at marami pa iba sa reunion concert.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

-NOREEN JAZUL