Nadakip ng Bureau of Immigration (BI) ang British na convicted sa kasong fraud at wanted sa United Kingdom dahil sa large-scale internet fraud at money laundering.

BRITISH

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakatakda nang ipa-deport ng ahensiya si Jared William Ainsworth, 31, na naaresto kamakailan sa isang mall sa Taguig City.

“We will be deporting him immediately as we already issued an order for his deportation a year ago for being an undesirable alien,” ani Morente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa paglalarawan ni Morente, isang high profile fugitive si Ainsworth, na napaulat na patuloy na nag-o-operate ng kanilang raket kasama ang kanyang kapatid habang nagtatago sa bansa.

Nabatid na una nang nadakip ng BI ang nakababata nitong kapatid na si Calvin Jason Ainsworth, 25, noong nakaraang taon.

Setyembre 2015, nang tumakas umano ang magkapatid patungo sa bansa matapos makapagpiyansa.

Ayon kay BI intelligence officer at FSU chief Bobby Raquepo, nagpatuloy ang operasyon ng magkapatid sa Pilipinas na nagbebenta ng mga non-existent goods sa internet na ipinapadala ang bayad ng kanilang mga biktima via money transfer sa kanilang mga kasabwat sa UK.

Ayon sa mga awtoridad sa UK, umaabot sa US$175,000 ang nakulimbat na salapi ng mga suspek sa kanilang mga biktima.

-Ariel Fernandez