Nakikipag-ugnayan na ang Quick Response Team ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa employer ng Pilipinang household worker (HSW) na umano'y ginahasa, binugbog at plinantsa ng among lalaki sa Jeddah, Saudi Arabia.

PINAY

Ayon kay OWWA Welfare Officer Benny Reyes, mahigpit na sinusubaybayan ng Quick Response Team ang kaso ng Pinay na itinago sa pangalang Hilda, maging ang Saudi recuitment agency ng biktima, matapos maidulog sa kanila ng GMA network ang tungkol dito.

Sa pahayag ng Pinay, naganap umano ang panghahalay sa kanya ng amo nitong Hulyo 19. Nagpaplantsa umano siya ng mga damit nang lapitan ng amo at tangkaing gahasain ngunit nanlaban siya kaya tinangka ng suspek na plantsahin ang kanyang mukha ngunit nagawa niyang maiharang ang braso kaya ito ang mapaso.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Pagkaraan ay pinagtatadyakan umano siya ng amo sa hita at binti hanggang sa halayin na siya ng suspek.

Matapos ang insidente, humingi umano ng tulong ang Pinay sa among babae at inilipat sa ibang bahay na pagtatrabahuhan.

Sa ngayon ay hindi pa dumudulog ang Pinay sa tanggapan ng OWWA sa Jeddah.

-Bella Gamotea