NAPANGIWI ang kausap naming executive nang makilala niya ang isa sa mga cast ng pelikulang malapit ng i-shoot at ang sabi sa amin, “goodluck!”

Bakit naman kaya ‘goodluck’ ang komentong narinig namin?

“Bida-bida kasi,” kaswal na sabi ulit sa amin.

Naalala tuloy namin ang komento ni Eugene Domingo sa mediacon ng Ang Babae sa Septic Tank 3 sa kung anong masasabi niya kay Jose Rizal na jack of all trades at pinaghinalaan pang bading.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sabi ni Direk Euge (pronounce as Huge), “tingin ko hindi gay si Jose Rizal kundi bida-bida kasi lahat alam niya, ang dami niyang alam na lengguwahe.”

Ganito rin kaya ang sinasabing bida-bida ng executive na kausap namin?

“Oo. Know it all din. Ang pagkakaiba nila ni Rizal, matalino ‘yun, maraming alam na lengguwahe, at national hero, itong si (isa sa cast), minsan lang naka-jackpot ‘yon at ‘yon na ang claim to fame niya,” pagtatapat sa amin.

Hmm, hindi ba type ng executive maka-trabaho si bida-bidang artista?

“Wala naman akong choice kasi nga kasama na sa cast, ‘di ba?”

Hayun, magkasama pala sa project ang dalawa kaya pala may side comments.

-Reggee Bonoan