SA ginanap na launching ng 1st Metro Manila Summer Film Festival na magsisimula sa Sabado de Gloria nang susunod na taon, ay hindi nabanggit ang sangay na Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang isa sa mga partner.

Tanging Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)/Metro Manila Film Festival (MMFF) Execomm at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) lang ang binanggit sa nasabing launching kaya tinanong namin ang Publicity head ng MMFF/MMDA na si Noel Ferrer kung out na ba ang FDCP na pinamumunuan ni Ms. Liza Diño.

Ang paliwanag ni Noel, “kasama but they are part of the bigger body which is the MMDD Execom. Sa loob sila ng MMFF Execom na member pati Mowelfund, Theater Representatives and other stakeholders.”

Buti na ‘yung klinaro namin dahil may isang linggo na ang nakalipas nang lumabas ang balitang idinemanda ng CEAP ang FDCP dahil sa invalid at unconstitutional ang bagong film screening rules na ipinatupad ni

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Chairperson Liza base na rin sa inilabas niyang Memorandum Circular 2019-01 on theatrical release of films in the Philippines.

Nabanggit pa na ang Memorandum Circular ay naggarantiya sa three-day screening period para sa bawat pelikula, bagay na inalmahan ng CEAP dahil umano sa maling pakikialam ng FDCP sa kanilang business operations.

Ang saklaw na mandato raw ng FDCP ay may kinalaman lamang sa artistic at technical merits ng pelikula.

Going back to 1st Metro Manila Summer Film Festival ay tatagal ito ng 11 araw na mas matagal pa kaysa sa Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), Quezon City Film Festival, Pink Festival at iba pang festival sa bansa.

Katulad din ng Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre, walong pelikula rin ang mapapanood sa Summer Film Festival.

Magkakaroon din ng Parada ng mga Bituin sa Linggo ng Palaspas, Abril 5, 2020, at Gabi ng Parangal (ikalimang gabi ng summer filmfest) sa Abril 15, at ang showing ng entries ay Abril 11-21.

Ang host sa unang MMSFF ay ang lungsod ng Quezon City sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte na dumalo rin sa nasabing launching.

Ang Summer MMFF ay mula sa pagtutulungan ng MMFF Execom sa initiative ni Senator Bong Go mula sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, na suportado nina Biñan City Congresswoman Len Alonte at Sta. Rosa Congressman Dan Fernandez.

-REGGEE BONOAN