FOLLOW UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa TVC shoot ni Kris Aquino sa Unilever kasama si Empoy Marquez. Hindi lang pala ang komedyante ang kasama, ka-join din ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby pero pang Christmas ito base na rin sa background nitong disenyo.

Kris copy

Base sa IG video post ni Kris ay tinuruan niya ang dalawang anak na maglagay ng jam sa bowl.

Ang caption ay, “Thank you @ unileverphilippines for our 4th Lady’s Choice Christmas (2014, 2015, 2018, 2019) shoot. Super happy that we’re complete. My mom, their lola Cory, will be smiling in heaven because kasama si Kuya Josh. #family #complete.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang sumunod ay mga eksenang magkasama naman sila ni Empoy pero wala na ‘yong pamaskong disenyo sa likod.

Aniya, “we did three Lady’s Choice webisodes, in bed and ready na to sleep this is an appreciation post. Thank you to my @cornerstone family, most especially @jeffvadillo and Tin dahil hindi n’yo talaga ko pinabayaan - NAPAKASWERTE KO! And thank you @empoy, nakaramdam ako ng on screen chemistry with you, pareho nu’ng magic na meron kami ni Rene Requiestas 29 years ago (Pido Dido was shown Sept 13, 1990- unreal), sana sa 30th anniversary nu’ng 1st movie ko, makatambal kita. Kinuwento ko na sa ‘yo ‘yung concept na sinulat ko kagabi and after today’s shoot, I believe it can work. Thank you, God for bringing #happyback. #grateful.”

Mukhang magiging positibo ang planong pagsasama sa pelikula nina Kris at Empoy dahil ang mismong manager na ng Queen of Social Media ang magpo-produce, through Spring Films kasosyo sina Piolo Pascual at Binibining Joyce Bernal, ng pelikula na puwedeng siya rin ang magdirek.

Pero bago muna gawin ni Kris ang pelikulang kasama si Empoy ay uunahin muna niya ang horror movie na (K)Ampon mula sa Quantum Films na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nang i-anunsyo ng MMFF ang naunang apat na pelikulang kasama sa MMFF 2019 ay iisa ang tanong ng lahat, ‘di ba maysakit si Kris? Kakayanin ba niyang mag-shoot? Kaya niya bang tapusin ang movie lalo na at horror film pa?”

Oo nga tama rin naman, dahil nu’ng ialok ang pelikulang ito ay kaliwa’t kanan ang medical procedures na ginagawa kay Kris sa Singapore.

Kaya tinanong namin ang producer ng (K)Ampon na si Atty. Joji Alonso kung bakit naisip niya si Kris gayung alam niyang maysakit ito at kung sigurado ba itong kayang tapusin ng aktres ang pelikula.

“I just took a chance, requested her to read the script and she liked it. When you do something you truly enjoy, it helps you heal,” kuwento ng lady producer.

Sa tanong namin kung bakit si Kris, na Horror Queen, ang napili, sagot ng direktor: “Why kris? Didn’t you just mention that she is the horror queen Reg?” balik-tanong sa amin ni Atty. Joji.

Samantala, nabalita na malabong gawin ni Derek Ramsay ang (K)Ampon dahil sa hectic nitong schedules dahil may teleserye siyang umeere sa GMA 7 at may balitang hindi tipo ng aktor ang segue-segue dahil kailangan din niyang magpahinga. Pero tuloy ang pelikula.

“Yup. Hectic talaga pero gagawa ng paraan,” sabi ulit sa amin.

Kung hindi kami nagkakamali ay sa susunod na linggo na magsisimulang gumiling ang camera para sa (K) Ampon sa direksyon ni King Palisoc for Quantum Films.

-REGGEE BONOAN