PAGMAMAHAL at takot ang magpapaikot sa mundo ng apat na taong naghahanap ng hustisya para sa pinatay na pag-ibig sa pag-uumpisa ng inaabangang Kapamilya seryeng The Killer Bride na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Killer Bride02

Sa serye unang magsasama sa telebisyon ang dalawang aktres na Salvador na sina Maja at Janella, kung saan makakatambal nila sa unang pagkakataon sina Geoff Eigenmann at Joshua Garcia.

Mapapanood si Maja bilang si Camila Dela Torre, isang babaeng kilala sa ganda, talino, at busilak niyang puso. Gaganap naman si Geoff bilang si Vito Dela Cuesta, ang lalaking magpapaibig kay Camila. Marami ang susubok sa kanilang pagmamahalan pero lalaban sila at magpapasyang magpakasal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ngunit isang eskandalo ang gugulat sa lahat dahil sa araw ng kasal ng dalawa, makikita si Camila na duguan sa tabi ng bangkay ng kapatid ni Vito na si Javier. Dito siya kasusuklaman ng lahat at babansagang Killer Bride. Kalaunan, mamamatay ito matapos masunog ang kulungang kinalalagyan.

Magiging malaking usap-usapan sa Las Espadas ang “killer bride” at kakalat ang haka-haka na may nakikita ang mga residente na babaeng duguan at nakabelong pang kasal. Magkakatotoo ang hiwagang ito sa pagdating ni Emma (Janella), ang babaeng magpapahayag na sumapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Marami ang magdududa kay Emma, at isa na rito si Elias (Joshua), isa sa mga tauhan ni Vito. Dahil sa utang na loob sa mga Dela Cuesta, gagawin niya ang lahat upang proteksyunan si Vito mula kay Emma, lalo na’t sinasabi nitong sumasapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Ginagamit nga kaya ni Camila ang katawan ni Emma para sa kanyang paghihiganti kay Vito at sa mga Dela Cuesta? Ano nga ba ang magiging papel ni Elias sa buhay ni Emma?

Kasama rin sa The Killer Bride sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, at Sam Concepcion.

O, ‘di ba? Tipong pelikula ang dating at tema ng istorya?

-MERCY LEJARDE