PUERTO Princesa, Palawan – Sa maigsing paghahanda, naisakatuparan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang misyon na mabigyan ng tulong ang katutubong Pinoy sa isinagawang Indigenous Peoples Games nitong weekend sa Ramon V. Mitra Sports Complex.
Ayon kay PSC Commissioner at Officer-in-Charge, siksik at liglig ang inspirasyon na dulot nang pakikiisa ng may 300 miyembro ng iba’t ibang tribo mula sa 12 munisipyo upang maipamalas ang angking husay sa mga tradisyunal na mga laro.
Nakopo ng municipality of Rizal ang dalawang ginto sa kadang-kadang at casing para manguna sa mga nagwagi sa IP Games na suportado ng ibal;t ibang ahensiya na nangagala sa Indigenous People.
Naitala ng magkakasanggang sina Ricky Balucos, Prince Claro Dela Cruz at Rady Padriquelan ang bilis na 43 segundo para pagbidahan ang 18-under men’s category sa Kadang-Kadang sa kawayan.
Sa Kadang Kadang sa Bao 18 under female, namayani ang Team Narra nina Ivy Grace Talbo, Maria Cristina Usao at Rochelle Sernal sa tyempong isang minuto at limang segundo.
Naiuwi naman ng Team Bataraza nina Ranel Bahukan, Joseph Mastare at Rowel Bahukan ang gintong medalya sa Kadang Kadang sa bamboo 19 above men’s class.
Ang Kadang kadang sa bao 19 above female winner ay Team Quezon nina Sarifa Valera, Jennifer Daco at Syren Lucio.
Nakiisa rin sa torneo ang local government units ng Aborlan, Narra, Quezon, Brooke’s Point, Sofronio Española, Rizal, Balabac, Roxas, Taytay, El Nido, Busuan, Coron, Araceli at Puerto Princesa City.
Itinataguyod ang Palaro ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DOT), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at various local government units (LGUs).
Ito ang ikalimang pagkakataon na isinagawa ng PSC ang IP Games.
Samantala, kabuuang 60 indibidwal ang dumalo sa Indigenous Peoples Forum na ginanap sa VJR Hall of the Provincial Capitol. Nakiisa ang sa progreama ang mga estudyante at guro mula sa Palawan State University and Wesleyan State University, Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), representatives from National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) and National Commission on Culture and Arts.
Pinangasiwaan ni MSU-Marawi Professor Henry Daut ang IP Forum.