AKSIDENTENG napadalhan kami ng kopya ng press release ng pelikulang Family History na pinagbibidahan nina Michael V at Dawn Zulueta na produced ng GMA Films. Ikinagulat namin ang nilalaman ng letter dahil may pagpipilian ng mga katanungan doon na gusto naming sagutan para purihin ang pelikula at mga cast nito.

Michael V at Dawn

Ang nilalaman ng release:

“Hi! Favor po. We plan to do a poster or video plug to promote online the showing of Family History movie by featuring reviews or comments from print media/online publicists who already watched the movie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Below are some questions. Pa-post lang po sana on your social media accounts para ma-pick up po namin. Pili na lang po kayo ng question(s). Thank you so much!

  1.  Anong masasabi mo sa performance ni Dawn Zulueta? Ex: Ibang Dawn Zulueta ang mapapanood ninyo sa Family History! Napakahusay!
  2.  Anong masasabi mo kay Michael V? Ex: A different side of Bitoy ang mapapanood ninyo sa Family History!
  3. What can you say about the graphics? Ex: Infairness ang ganda ng graphics!
  4. Ano ang masasabi mo sa movie? Ex: Iiyak at tatawa ka at the same time sa Family History! Mage gets n’yo lang ang meaning at relevance ng 46× pag napanood nyo na ang FH.

  1. Ano ang unexpected scene sa movie? Ex: Grabe nakakaiyak ang ending!
  2. Ano ang masasabi mo kay Miguel Tanfelix? Ex: Grabe! Ang gwapo ni Miguel Tanfelix! Magaling na aktor pa!
  3. Ano ang masasabi mo sa movie? Ex: Kakaiba ang story telling!
  4. Ano ang masasabi mo sa pagkakagawa ng movie? Ex: Grabe pinapaisip ka ni Bitoy! Mapapaisip ka talaga!

May mga napagtanungan kaming katotong nakapanood na at ang kaswal na sabi sa amin, “nakakatawa naman. Pero mas maganda ‘yung kina Ai Ai (de las Alas) at Bayani (Agbayani) na ‘Feelennial’.”

Hindi pa namin napapanood ang dalawang pelikula, pero sige papanoorin namin pareho kapag nasa Netflix na, promise!

-Reggee Bonoan