Naaresto ng pulisya ang isang lalaki na umano’y dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted sa kasong pagpatay, sa Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City, kahapon ng gabi.

ASG

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/BGen Nolasco Bathan, ang suspek na si Imran Sala-In Mutahayin, 24, construction worker, nakatira sa Pasig City, at umano’y dating miyembro ng ASG na nakabase sa Basilan.

Nadakip si Mutahayin ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU), katuwang ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit-NCR at PNP Intelligence Group, dakong 8:30 ng gabi sa E. Pantaleon Street, Bgy. Barangka Ibaba, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Basilan Regional Trial Court (RTC) Branch 1, dahil sa kasong pagpatay.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nauna rito, tinangkang arestuhin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-DSOU ang suspek sa Bgy. Kalawaan, Pasig City ngunit nagawa nitong makatakas at makapagtago.

Kaagad namang ipinag-utos ni Bathan ang paglulunsad ng manhunt operation laban sa suspek, na kaagad na naaresto matapos ang isinagawang surveillance operation ng mga pulis laban sa kanya.

-Mary Ann Santiago