PAKNER! Pinagtibay ng World OCR, Allianz PNB Life at POSF ang tambalan sa nilagdaang Memorandum of Understanding na sinaksihan ng mga miyembro ng Para-OCR National Pool Team at Aeta Athletes, sa pangunguna nina (mula sa kaliwa) Mr. Ian Adamson, President, World OCR ; Ms. Gae Martinez, Chief Marketing Officer, Allianz PNB Life ; Mr. Alex Grenz, President and CEO, Allianz PNB Life ; Atty. Al Agra, President, Pilipinas Obstacle Sports Federation ; at Mr. Carlos Paca, Treasurer, Pilipinas Obstacle Sports Federation.

TAPIK sa balikat ng Philippine Para-Obstacle Course Racing National Training Pool ang pakikipagtambalan ng Allianz Philippines bilang Official Life Insurance Partner ng National Team.

Senelyuhan ang tambalan sa nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) kamakailan sa pagitan ng Pilipinas Obstacle Sports Federation, Inc. (POSF), ang national sports association na kinikilala ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at sanctioned ng Fédération Internationale de Sports d’Obstacles (FISO) or World OCR, the International Federation on Obstacle Course Racing (OCR) at OCR Asia.

“Allianz has always believed in creating equal opportunities and encouraging people to meet challenges. This is why we have always been supportive of OCR in the Philippines. Entering into an agreement with the POSF furthers our support for these ideals,” pahayag ni Allianz Philippines President and CEO Alexander Grenz.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Opisyal nang kabilang ang Para-OCR bilang Demonstration Sport sa 10th ASEAN Para-Games na gaganapin sa bansa sa Enero sa susunod na taon. Sa kasalukuyan, may pinangangasiwaan na ang POSF ng training pool na pagpipilian sa National Team.

Kabilang sa mga miyembro ng Para-OCR National Training Pool sina Ramon Anievas, JefersonBiteng, Nigel Archer, Jerald Polintan,Angel Torres, Ariel Zinampan, Aga Casidsid, at Bert Natividad.

“POSF believes and advocates ‘building better humans’, which is the core value of ‘Olympism’. As such, we promote holistic development of our athletes. Partnering with Allianz PNB Life, in part, helps us achieve this mission. Looking after the welfare of athletes is our duty. POSF becomes more accountable by reason of our collaboration with our Official Life Insurance company,” pahayag ni POSF President Alberto Agra.

Sa ilalim ng kasunduan, pagkakalooban ng Allianz ang POSF ng financial assistance para magamit sa pagsasanay ng mga miyembro ng Para-OCR NTP at NT.

Pagkakalooban din ng Allianz ang mga atleta ng life at medical insurance, gayundin ang travel insurance sa pagsabak ng mga atleta sa abroad.

“Our para-athletes have shown that no matter what one’s background or situation is, one can succeed. Allianz is one with the Filipinos in supporting them as they compete in a milestone event,” sambit ni Grenz.