PUERTO Princesa, Palawan – Hindi bibitiwan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagtataguyod sa Indigenous Peoples Games.

Ayon kay PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, lubhang napakahalaga na mapanatili at mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa mga tradisyunal na sports ng mga katutubong Pinoy upang manatili itong buhay sa ating kultura.

“Etong mga IP Games, na ating pinanatiling buhay sa ating probinsya, ay isang napaka importanteng proyekto ng PSC, sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez,” pahayag ni Maxey.

NAGHIHINTAY ang mga miyembro ng tribo, habang inihahanda ang mga pana na gagamitin sa Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa, Palawan.
NAGHIHINTAY ang mga miyembro ng tribo, habang inihahanda ang mga pana na gagamitin sa Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa, Palawan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pormal na nagsimula ang IP Games dito nitong Biyernes sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Sa isang palabas, ipinakita ng iba’tibang tribu ang kanilang kalinangan, gayundin ang tradisyunal na sayaw na isinagawa ng Tao’t Bato Cultural Group.

Kabilang sa mga tradisyunal na laro na ibibida ng Palawan ang kadang-kadang sa bao, kadang-kadang sa bamboo, takbo, at pagbayo sa palay.

Ikinasiya ni Maxey ang suportang ibinigay ng local na pamahalaan para masiguro ang tagumpya ng IP Games.

“Malaking bagay yun suporta ng mga LGUs, pati na mga mga tribal leaders. Bago pa man simulan, nagkaroon na kami ng mga meetings sa mga provincial government at mga tribal leaders para tiyakin ang maayos ma pagdaraos ng event,” aniya.

“Dito sa Palawan, ipakikita natin ang kanilang mga IP Games ng madaming tribo na patuloy na naninirahan dito.”

Kabilang sa nakiisa ang mga bayan ng Aborlan, Narra, Quezon, Brooke’s Point, Sofronio Española, Rizal, Balabac, Roxas, Taytay, El Nido, Busuan, Coron, Araceli, at Puerto Princesa City.

Itinataguyod din ang IP Games ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DOT), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs).