SA isang malinaw na senyales ng pagdating ng mga bagong iidolohin sa Philippine Basketball Association, ang mga rookies na sina Bobby Ray Parks ng Blackwater at CJ Perez ng Columbian Dyip ang namumuno sa statistical race matapos ang PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.

Bukod sa dalawa, ang iba pang mga rookies at mga batang manlalarong nasa top 15 ay sina RR Pogoy ng TNT, Robert Bolick ng Northport, Matthew Wright ng Phoenix, Scottie Thompson ng Ginebra, Mac Belo ng Blackwater, Javee Mocon ng Rain or Shine at Rashawn McCarthy ng Columbian Dyip.

Ray Parks Jr. (PBA Images)
Ray Parks Jr. (PBA Images)

Hindi naman nawawala sa hanay ng mga contenders ang mga beteranong sina Jayson Castro ng Katropa, June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Sean Anthony ng Northport.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Maigting naman ang labanan para sa Best Import award base sa stats ng tatlong pangunahing kandidato na sina titleholder Justin Brownlee ng Ginebra, Terrence Jones of TNT KaTropa at Chris McCullough ng San Miguel Beer.

Matapos ang playoffs ng mid-conference, nakatipon si Parks ng 37.2 statistical points mula sa kanyang averages na 22.1 points, 7.1 rebounds, 3.4 assists, 1.4 steals, 0.5 block at 80 won-game bonus points.

Kasunod niya si Perez na may 36.1 SPs na nakakalamang kay Parks sa averages ngunit mayroon lamang 30 won-game bonus points.Sa katunayan, siya ang kasalukuyang scoring leader sa average nyang 22.7 points per game.

Pangatlo naman si Castro na may 35.1 SPs, pang-apat si Fajardo (33.8) at panglimang Pogoy (33.2).

Kasama nilang bumubuo sa top 10 sina Bolick (32.46), Anthony (32.45), Chris Banchero (31.1), Moala Tautuaa (30.9) at Wright (29.4) kasunpd sina Thompson (28.1), Belo (27.43), Japeth Aguilar (27.38), Mocon (27.36) at McCarthy (27.0) sa 11th to 15th spot.

Si Castro ang league leader sa assists (6.4), si Fajardo ang namumuno sa rebounds (11.8) at block (1.54) habang si Pogoy ang nangunguna sa steals (2.8).

Dikit na dikit naman ang labanan nina Brownlee at Jones habang nakabuntot sa kanila si McCullough para sa Best Import award.

May natipon si Brownlee na 61.8 SPs kasunod si Jones na may 60.2 at McCullough na may 53.8.