ni Annie Abad

KABUUANG P16 milyon halaga ng sports equipment ang ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Puerto Princesa City, Palawan na tatayong hgost sa Batang Pinoy National Finals sa 25-31.

Ang pagkakaloob ng naturang sports equipment ay bahagi ng programa ng PSC para maipagpatuloy ng local governmrnt ang grassroots sports development program.

“It has been approved. We are giving 16M pesos worth of sports equipments to Puerto Princesa for hosting Batang Pinoy National Finals,” pahayag ni PSC commissioner Celia Kiram sa ginanap na MOA signing kamakailan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Kiram ang nasabing mga kagamitan ay makatutulong sa nasabing lalawigan upang mapalakas ang kanilang programa sa sports at matugunan ang pangangailangan ng mga batang atleta.

Ikinatuwan naman ni Puerto Princesa Mayor na si Lucito Bayron ang magandang balita na isiniwalat ni Kiram, kung saan aniya ay malaking tulong ito upang lalo pang mahikayat ang mga kabataan ng lalawigan na ituon ang pansin sa palakasan.

Hindi na bago para sa Puerto Princesa ang maghost ng mga sporting event, kung saan ay naging host na rin ang lungsod ng Batang Pinoy may isang dekada na ang nakalilipas.

“We have improved all the playing venues for Puerto Princesa kasi kahit walang event, pwedeng gamitin ito ng mga mamamayan namin doon for exercise to improve their health,” ayon kay Bayron.

Samantala, mahigit sa 6,000 mga batang atleta ang inaasahang lalahok sa kabuuang 31 sports discipline gaya ng centerpiece event na athletics at swimming, pati na ang archery, arnis, badminton, baseball, basketball, beach volleyball, boxing, chess, dancesport, futsal, karatedo, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Sa nasabing event din hahanap ang PSC ng mga kabataang atleta na maaaring isabak sa Children of Asia Games, ayon naman kay Deputy Executive Director at BP Project Director Atty. Guillermo Iroy.

“We will select the athletes with the worthiest performance from this Batang Pinoy to be a part of the national team we are sending to the Children of Asia Games,” sambit ni Iroy.

Ginanap ang unang tatlong leg ng Batang Pinoy sa mga lalawigan ng Ilagan Isabela para sa Luzon leg, IloiloCity para sa Visayas leg at sa Tagum City, Davao para sa Mindanao leg.