MAKARAAN ang halos isang taon na hindi pagsampa sa lona, magbabalik-boksing si dating two-time world champion Milan Melindo sa pagsabak sa walang talong Hapones na si world rated flyweight Junto Nakatani sa Oktubre 5 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Maghaharap sa 10-round super flyweight bout sina Melindo, nakalista pa ring WBC No. 13 contender light flyweight, at Nakatani na natakatalang No. 3 sa WBC, No. 4 sa WBO, No. 8 sa WBA at No. 11 sa IBF sa flyweight division kaya sagupaan ito ng mga world class boxer.

Natalo si Melindo sa kanyang paghamon kay undefeated WBC light flyweight champion Ken Shiro via 7th round TKO sa Yokohama, Japan noong Oktubre 7, 2018 kaya halos isang taon nang hindi sumasampa sa ring ang ALA Gym boxer na naging IBF at IBO light flyweight titlist nang talunin sa puntos ang dating kampeong si Hekkie Baddler ng South Africa noong Setyembre 16, 2017 sa Cebu City.

May perpektong record naman si Nakatani na 19 panalo, 14 sa pamamagitan ng knockouts, ngunit ngayon lamang siya makakaharap sa boksingero sa kalibre ng beteranong si Melindo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kartada si Melindo na 37 panalo, 4 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts at umaasang kumbinsidong magwawagi kay Nakatani para magkaroon ng world title crack.