SA layuning makadiskubre ng future chess masters at champion ay nagsanib puwersa ang Angeles City Sports at Caine Knights sa pagtulak ng Non-Master at Youth Chess Tournament na iinog sa Agosto 25 na gaganapin sa Robinsons Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay tournament organizer Jose Fernando Camaya ang torneong ito ay bukas sa lahat ng non-master chess player na ang NCFP rating ay hindi lalagpas sa 2100 base sa July 2019 list ng National Chess Federation of the Philippines.

MAKIKITA ang ceremonial moves sa pagitan nina top Gumaca female player Jazmine Lita (kaliwa) at engr. Antonio “Tony” Balinas; Mark Anthony Palo (kaliwa) at Cayabu, Tanay Rizal Barangay Chairman Antonio Bolanos; at tournament director Joselito Cada (kaliwa) at Philippine Executive Chess Association president (PECA) Dr. Jenny Mayor bilang highlight sa pagbubukas ng 9th leg National Executive Chess Championship.

Ito ay hinati sa dalawang division, ang non-master na may pabuyang P6,000 plus trophy sa magkakampeon at youth o 14 years old and below (born 2005 with maximum ratings of 2100 & below) na may nakalaan na P4,000 plus trophy sa maghahari.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang tournament registration fee sa non-master ay P350 habang nakalaan naman sa youth o 14 years old and below (born 2005 with maximum ratings of 2100 & below) ay P300.

Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan kay tournament organizer Jose Fernando Camaya (09158814752).