TATAWAGING Metro Manila Summer Film Festival ang second edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF), bilang sagot sa ipinanawagang tulong ng local movie industry hinggil sa bumababang v i ewe r s h i p n g Filipino films dahil sa influx of foreign films at development at paglago ng mga mas abot-kayang entertainment at media platforms.

MMDA Chair Danilo Lim kasama ang mga MMFF Executives

MMDA Chair Danilo Lim kasama ang mga
MMFF Executives

Sa ginanap na meeting ng MMFF Executive Committee nitong July 10 naaprubahan ang proposal ni Senator Christopher Lawrence Go na magdaos ng second edition ng MMFF. Sina Sen. Bong Go at Laguna Congressman Danilo Fernandez ang dalawang bagong appointed members ng MMFF Execom. Pareho silang nagbigay ng suporta sa movie industry.

Ang mga pelikulang ilalahok sa second edition ng MMFF ay magmumula sa mga isa-submit na finished films produced not earlier than January 1, 2019, kasama ang mga pelikulang nai-submit na sa 2019 MMFF finished film competition. Meaning, ang mga pelikulang na-submit na hindi napili sa official entries sa December ay puwede nilang isali.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Walong pelikula pa rin ang pipiliing official entries na ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa.

Eleven days ang pagpapalabas ng walong pelikula simula sa April 11, Black Saturday. Magkakaroon ng Parade of Stars sa April 5, Palm Sunday. Ang event ay pagtutulungan ng MMFF at Cinema Exhibition Association of the Philippines (CEAP).

Ang Summer Film Festival ay iprinisinta sa Metro Manila council at mayors na nangako ng kanilang buong suporta sa Metro Manila Summer Film Festival.

Sa 2020, ang magiging sponsor ng MMFF ay Quezon City kaya sa lugar gaganapin ang Parade of Stars sa Palm Sunday. Ang awards night naman ay idaraos sa April 15, four days after the opening day.

Official entries will be shown on April 11 to 21, 2020.

-NORA V. CALDERON