PUERTO Prinsesa City, Palawan – Muling matutunghayan ang mga tradisyunal na laro ng mga matatandang tribo sa Palawan sa ilalargang Indigenous Peoples Games dito.

ALAY! Nagsagawa ng tradisyunal na riwal ang ilang miyembro ng IP tribe bilang bahagi sa seremonya para sa opisyal na pagsisimula kahapon ng Philippine Sports Commission-Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa Sports Complex sa Palawan.

ALAY! Nagsagawa ng tradisyunal na riwal ang ilang miyembro ng IP tribe bilang bahagi sa seremonya para sa opisyal na pagsisimula kahapon ng Philippine Sports Commission-Indigenous Peoples Games sa Puerto Princesa Sports Complex sa Palawan.

Pormal na binuksan ang natatanging programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangangasiwa ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez kahapon tampok ang parada ng mga kalahok at IP Forum na pinangunahan ni Mindanao State University (MSU)-Marawi City Professor Henry Daut sa VJR Hall of the Provincial Capitol.

Bibigyan kahalagahan ni Daut, isa ring PSC Consultant, ang usapin na “Restoring the Heritage, Reliving the Past, and Rekindling the Spirit.” Makikiisa rin si retired Professor Dr. Paul D. Jagmis, Sr. mula sa Municipality ng Aborlan para ipaliwanag ang Palawan IP Culture.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay PSC Commissioner at Officer-in-Charge Charles Raymond A. Maxey, kabuuang 50 individual mula sa iba’t ibang komunidad ng mga tribo sa lalawigan ang lalahok sa IP Forum bago simulan ang laro.

“We sent out invitation letters to the Palawan State University and Western State University for educators as well as students who are Social Science majors,” pahayag ni Maxey.