MULING sasampa sa ibabaw ng lona si one-time world title challenger Denver “The Excitement” Cuello laban kay Detnarong Omkrathok ng Thailand sa 8-round bantamweight bout sa Agosto 3 sa Barangay Vergara, Mandaluyong City.

Ikalimang laban ito ni Cuello mula nang mabigo sa WBC minimumweight title fight kay Chinese Chaoshong Xiong na napabagsak niya sa 1st round pero natalo pa rin siya sa 12-round majority decision noong Hunyo 28, 2013 sa World Trade Center sa Dubai, United Arab Emirates.

Pinatulog ni Cuello ang kanyang apat na huling nakalaban kaya tiyak na ganito rin ang sasapitin ni Omkrathok na nanalo sa kanyang huling dalawang laban sa Thailand kabilang sa pinalasap nito ng unang pagkatalo na si Ryo Hashiya ng Japan noong Hulyo 8, 2018 sa Bangkok.

May kartada si Cuello na 37-5-6 win-loss-draw na may 25 pagwawagi sa knockouts at kailangan na lamang magwagi sa world ranked boxer para pumasok sa WBC o WBA rankings.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

-Gilbert Espeña